Paano Ang Pagbangon Mula Sa Matinding Kalamidad Essay Checker

Grade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao

  • CategoryEducation

  • View389

  • Download28

  • Posted on06-May-2015

Report

Description
1.DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1 Pahina 1 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Unang Markahan MODYUL 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG…

Transcript
  • 1.DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1 Pahina 1 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Unang Markahan MODYUL 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Huwag kang makialam! Hindi mo pa ‘yan dapat pinakikialaman, bata ka pa! Naalala mo pa ba ang mga linyang ito mula sa mga magulang mo noon? May mga bagay sa iyong paligid noon na hindi mo maaaring pakialaman dahil bata ka pa; pero lumilipas ang panahon at nagbabago ang maraming bagay. Darating talaga ang pagkakataong mas mahalaga para sa isang kabataang katulad mo ang makialam. Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Marami ka na bang napapansing mga pagbabago? Nag-iiba na ba ang mga reaksyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at mga isyung nangingibabaw sa media? Kung OO ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin, mayroon ka ng pakialam sa iyong lipunan. Nakikilala mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya, na mayroong mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay isang mahalagang bahagi nito. Kung HINDI naman ang iyong sagot, huwag kang mag-alala at darating din ang pagkakataong mababago ang iyong pananaw sa buhay. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang mga aralin sa baitang na ito. Sa dalawang taon mo ng pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka ng pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapwa. Ngayong taon naman ay mamumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-aralan mo sa asignaturang Araling Panlipunan ang maraming bagay tungkol sa lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami pang iba. Sa pagkakataong ito’y mauunawaan mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa baitang na ito. Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang lahat? Bakit ba mahalagang ito ay makamit at mapanatili? Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunan? Tara na!
"We have only one birthday, all the rest are anniversary."


Ito ngayon ang pang 4th anniversary ng blog ko. Pagkatapos kong magkaroon ng blog war ay nakaugalian ko na kung sino man ang madalas mag comment sa blog ko bukod sa ka exchange link ay nilalagay ko ang pangalan at site ng blog nila sa e-mail ko. Kapag may bagong blogger na mahilig din mag comment sa post ko ay copy paste ko ang nasa e-mail at ilagay ang bago at send sa e-mail ko rin. Kapag gusto ko mag punta sa mga blog ay madalas sa e-mail ako dumaraan. Mula sa sent items ay doon click ko ang bloggers list at kung click ko ang isang nasa lista ay makita na ang blog niya. Minsan lang ako mag punta sa isang blog na sa blog list ako dumadaan. Kung bakit ko ginawa na isave sila na mahilig mag comment sa blog ko ay dahil tumatanaw ako ng utang na loob sa kanila sa mga pagbisita nila sa blog ko lalo na sa pag comment nila.

Visit me and I will visit you. Ganun ako sa blog world. Mas inuuna kong bisitahin ang mga nasa lista ko sa e-mail na mga bloggers kaysa sa iba. Noong October 8, 2010 ng mag post ako para sa 2nd anniversary ng blog ko ay 112 pa lang iyan na mga bloggers. Nasa comment sila nakalagay. Ngayon ay 315 na at ang masabi ko ay marami ang nadagdag. Pero sa mga iyan na makita niyo na mga bloggers list ko ang ilan sa kanila ay hindi na aktibo sa pag blog. Ang iba naman ay di na makita ang blog. Higit sa lahat marami sa kanila ang hindi ko na ramdam ang pagpunta nila sa blog ko. Ganun pa man ay nauunawaan ko sila. Siguro mauunawaan din nila ako kung bakit bihira na rin lang ako magpunta sa blog nila. Wala akong sama ng loob na hindi na sila katulad ng dati. Kasi mayroon din naman bloggers na masasabi kong hindi ako tinalikuran at alam ko naman na may mga iba pang darating na masasabi kong magiging kaibigan sa blog.

Para sa 4th anniversary ng blog kong ito ay nais kong pasalamatan ang lahat na bloggers na nasa lista. Salamat at naging bahagi kayo ng blog kong ito. Sakali mang  dumating ang araw na magsasawa na kayo sa pagpunta sa blog ko ang masabi ko lang ay salamat at minsan naging bahagi kayo ng Written Feelings.

At nasa comment po ang lista ng mga bloggers na nais kong pasalamatan.


0 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *